9.1.07

Nanaman

Kung sa inyo manggagaling o kung kayo ang magsasalita
tingin n'yo madali lang.
At malamang, iiling na lang kayo at kaka-awaan ako
kung sabihin kong hindi madali.
Pero pano nyo maiintindihan yun?
Maaaring isa lang ang mundong ginagalawan natin.
Pero hindi ako bahagi nito.
Hindi. Hinding hindi.
Pinaiyak na naman kita. Pinahiya. Sinaktan.
Nanaman.
Nais ko na itong matapos nang tuluyan.
Pero tila walang katapusan.
Luluha na naman ikaw. Ako.
Pero hinding hindi mo, nila maiintindihan.