pudpod na sapatos
humahangos
sa lansangang madilim
tinatahak
landas na madulas
pudpod na pag-asa
tumatawag
saklolo sa dusa
patak ng ulan
tanging ligaya
"maraming kwento sa paligid. magmasid. maaring andun, madalas wala. tumingala, tumingin sa ibaba. pumikit, dumilat. danasin, h'wag iwasan. hanapin kaligayahan, masaktan paminsan-minsan. matuto. madapa. magbalik ng grade 1"
No comments:
Post a Comment