10.12.06

Bangkang Papel, atbp.

Bata pa lang ako, may 'atraksyon' na ako sa pad paper.

'A-T-R-A-K-S-Y-O-N'.

Kaya nga napagkakamalan ako madalas o nabubuking na 'may topak'.

(pause)...
(long pause)...

Sa tingin ko

(pinag-isipan ko talaga ito nang matagal)...

hindi (naman) ako ganun.

Hindi naman nag-iiba yung hitsura ng mga papel pag tinitignan ko. Hindi naman yun nagmumukhang grilled chicken o sizzling sisig. Hindi ako naglalaway at lalong hindi ko kinakain yung mga papel. Hindi din nag ta-transform at nagiging Brad Pitt yung mga papel. Hindi (pa rin) ako naglalaway

(pause ulit)...

S-H-E-T.
Brad Pitt. Bakit di ko ba naisip yun?

Pero kung gusto na makasiguro, maaaring magtanong kay Bibay.
Si Bibay yung (psycho)therapist ko (na tinaguan ko na nang medyo matagal na panahon).
(ngisi)...

Ang totoo, bata pa rin naman ako ngayon (o isip bata), at tiyak ko na kahit maging ilang taong gulang pa ako (kung aabot man ako na Senior Citizen ng Republika ng 'Pinas o tawagin man ako na 'apung Tinay' ng mga taga-Lubao), babalik-balikan ko pa rin ang pad paper ko.

Hindi ako writer. Walang basehan na ibansag sa akin yun. Tamad akong magsulat. At kung may maisulat man ako, walang panama sa mga likha ng mga tunay na dugong-Balagtas o Nick Joaquin. Mas gusto ko lang na mag-imagine ng kung anu-ano. Yun lang, happy na ako.

Mas gusto kong gumawa ng bangkang papel at maglayag sa bawat sulok ng mundo kaysa magsulat. Mas gusto kong magpalipad ng eroplanong papel at umabot sa pinakamalayong galaxy (at makikita ko pa si E.T.) kaysa magsulat. Mas ayos kung gagawa ako ng game and watch out of pad paper kaysa maglaro ng mga salita sa pagsusulat. Mas gusto ko na basahin o hulaan ang personality ng isang tao (o hindi talaga tao) using a puppet paper kaysa magsulat. May

'A-T-R-A-K-S-Y-O-N'

talaga ako sa papel. Yun nga lang, sa paglalaro lang ng mga gawang papel.

bangkang papel.

paper plane.

papel na game and watch.

paper puppet.

Tapos na ba talaga ako sa mga laro?

Natanong ko ba yun nuong niregaluhan ako ni Tita Dedette ng

D-I-A-R-Y?

Ang purpose ni Tita nuon eh para mabawasan ang paglalaro ko.
Ang totoo n'yan, buhay pa yung diary ko na yun. Kulay blue saka pink yung lines nun. Scented pa.

"Dec 1- 1989
Dear diary,
kaninang umaga ay nagising ako
nung tanghali na ay naglaro kami chess ni dan-Dan.
nanalo ako
nung hapon na ay meryanda kami ng oreyn jiuce
Nung gabi na ay sleep na kow."

Pero tamad pa rin ako magsulat. Copy-paste, kumbaga.
Yung 'chess' - nag-iba yun. Naging:

nung tanghali na ay naglaro kami
piko
big boy
saynis garder (chinese garter)
tachi raber (touching runner)
langit lupa

Si 'dan-Dan', na closest cousin ko nuon at kakambal ko, naging:
ni
Che-Che
An-An
ate Cyn
tita Sara
tita Juliet
Jayson
Lawrence (baby love ko)

Minsan, ala na yung phrase na:
ay meryanda kami ng oreyn jiuce

May times na naging:

ng orage juice (mali pa rin spelling!)
Yun. Pero syempre, gumawa pa rin ako ng

bangkang papel.

paper plane.

papel na game and watch.

paper puppet.

Yung ibang pages pinilas ko. Salbaheng bata!

Tapos, high school at college. Medyo nabawasan na katamaran ko. Ah, kasi kelangan nang mag-aral. Takot ko lang sa mga teachers at prof. ko.

"Altura, Christine
IV- AOL
"

At outside the University:

"This is to express my interest in your job offer...
"

Ngayon, 26 taon, heto ang pad paper ko:

" "

Kelangan ko bumalik ng grade 1.
Pag nagawa ko na, promise, ku-kwentuhan kita.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pahabol:
Sa ngayon, matuturuan muna kita gumawa ng:

bangkang papel.
paper plane.
papel na game and watch.
paper puppet.

No comments: