12 na ka-DIGHAY DIGHAY na weirdong pagkain at inumin
Akala ng karamihan, mahinang kumain ang patpatin na ito. Ang totoo, marami akong tinatagong bilbil. Paanong hindi? Busog sa mga kakaibang food trip at experimento na nakuha sa tabi-tabi dyan at sa dako paroon. Hindi ko ipagpapalit ang mga sumusunod sa anumang mamahaling pagkain sa mundo o maging sa universe pa.
Yum! Yum! Yum! Yum! Yum! Yum!
Categories:
"mag kanin ka!" - rice ang main ingredient
"inom at higop" - sabaw at inumin
"ulam at meryends" - pede both ulam at meryenda
"prom di movies" - nakuha sa mga movies
"mag kanin ka!" - rice ang main ingredient
Bansag: "century beef rice"
Ano yun: sinangag na pinaghalong Century tuna at corned beef
Kanino napulot: naisip ko lang (ginagawa ko ito pag umuuwi ako sa Lubao)
Istep 1: Paghaluin sa mangkok ang Century tuna (minus the oil) at corned beef.
Istep 2: Isantabi.
Istep 3: Isangag ang natirang kanin.
Istep 4: Ihalo sa isinasangag ang isinantabing sangkap sa Istep 1.
Hep-Hep:
Mas masarap kung isasabay ang pagkain nito sa paghigop ng mainit na MilCafe.
Bansag: "tipid bagoong rice"
Ano yun: mas tipid na bagoong rice
Kanino napulot: naisip ko lang din (ginagawa ko ito pag bumibili ako ng manggang hilaw)
Hep-Hep:
Bumili ng manggang hilaw.
Wag kalimutang i-check kung mayroong kasamang bagoong ang mangga.
Wag din kalimutang i-check kung walang ibang kasama (na gumagalaw) ang bagoong!
Ubusin na ang mangga, pero magtira ng bagoong.
Istep 1: Ilagay ang kanin sa plato.
Istep 2: Ihalo ang natirang bagoong.
Bansag: "sitoyman"
Ano yun: hindi ito binaliktad na 'toymansi'; sinangag ito na kanin sa toyo at mantika
Kanino napulot: sa kanunu-nunuan (malamang andito na ito hindi pa ako napapanganak)
Istep 1: Paghaluin sa mangkok ang 1/3 tasa ng toyo at 1/8 tasa ng mantika.
Hep-Hep:
Pag bumubili ng toyo, wag tanungin si 'dang Luz ng "Atin ko pung toyo?"
Lalong wag tanungin sya ng "Atin ko pung taba?" Aruy, Dyos ko, pulayi na ka.
Istep 2: Isantabi.
Istep 3: Isangag ang natirang kanin.
Istep 4: Ihalo sa isinasangag ang isinantabing sangkap sa Istep 1.
Bansag: "ricepaghetti"
Ano yun: kaning lamig sa bagong init na spaghetti sauce
Kanino napulot: kay Pok
Istep 1: Mag spaghetti party muna. Make sure si Pok ang gumawa ng spaghetti. Sarap!
Istep 2: Magtira ng spaghetti sauce.
Istep 3: Matulog ka.
Istep 4: Gumising ka the following day.
Istep 5: Humingi ng natirang spaghetti sauce kay Pok.
Istep 6: Iinit ang spaghetti sauce.
Istep 7: Ilabas na ang kaning lamig.
Hep-Hep:
Siguraduhing hindi pa panis ang kaning lamig.
Siguraduhin ding hindi pa panis ang spaghetti sauce.
Istep 8: Ibuhos ang bagong init na spaghetti sauce sa kaning lamig.
Bansag: "minatamis na kanin"
Ano yun: kanin with powdered milk and sugar
Kanino napulot: sa akin (nung bata pa ko) at sa mga kalaro ko
Istep 1: Ilagay ang kanin sa plato.
Hep-Hep:
Kung medyo maliit ang bituka nyo, pwede na ring platito.
Istep 2: Budburan ng powdered milk.
Hep-Hep:
Ang plato na mayroong kanin, hindi ang kung anu.
Istep 3: Lagyan ng asukal.
Istep 4: Haluin.
Istep 5: Kutsarain. Pwede ding kamayin. Siguraduhing malinis ang kamay.
Istep 6: Tawagin na ang mga kalaro!
"inom at higop" - sabaw at inumin
Bansag: "MilCafe"
Ano yun: Milo at Nescafe instant coffee
Kanino napulot: naisip ko ito
Istep 1: Magtimpla ng Milo sa tasa.
Istep 2: Ihalo sa tinimpla ang isang kutsara ng Nescafe instant coffee.
Istep 3: Lagyan ng mainit na tubig.
Hep-Hep:
Mas masarap ito pag isinabay sa "century beef rice".
Bansag: "d' ultimate sabaw"
Ano yun: inihaw na dalag + sampalok + kamatis + sibuyas + tubig
Kanino napulot: kay Dad (favorite nya ito, favorite ko din, favorite din ni ate Cynch nuon, di 'to ma-take ni Mom)
Istep 1: Mag-ihaw ng isdang dalag.
Istep 2: Isantabi.
Hep-Hep:
H'wag itabi sa pusa, baka maunahan ka sa pagkain.
Istep 3: Sa isa pang lalagyan, maglagay ng hiniwang kamatis, sibuyas at sampalok.
Istep 4: Ilagay ang isinantabing isdang dalag sa lalagyan kasama ang kamatis, sibuyas at sampalok.
Istep 5: Haluin gamit ang kamay, hanggang madurog ang kamatis, sibuyas at higit sa lahat, ang sampalok.
Hep-Hep:
You cannot skip this step. Ito ang nagpapasarap sa sabaw.
Istep 6: Sabay-sabay na higupin ang sabaw.
"ulam at meryends" - pede both ulam at meryenda
Bansag: "pancon"
Ano yun: pandesal na may condensed milk
Kanino napulot: kay Mumuy (sa mga panahong wala kaming pambili ng meryenda sa office)
Istep 1: Ihanda ang pandesal.
Istep 2.a: Lagyan ng condensed milk bilang palaman.
Hep-Hep:
Buksan muna ang lata. Wag ngatngatin; baka mawalan ng ngipin.
Gumamit ng can opener o kaya'y mandekwat, este manghiram nito.
Ilagay ang gatas sa pandesal, hindi ang lata.
Istep 2.b: Pwede ding isawsaw na diretso sa lata ang pandesal para mas enjoy!
Bansag: "peanut butter and banana"
Ano yun: hindi ito green, ha?
Kanino napulot: kay ate Cynch (favorite meryenda ito sa Lubao)
Istep 1: Balatan ang saging. (Bahala ka kung paano.)
Hep-Hep:
Mas masarap kung saging na lacatan. (Wag mag-isip ng kung anu-ano ha)
Istep 2: Isantabi.
Hep-Hep:
Isantabi din muna ang imahinasyon.
Istep 3: Kumutsara ng peanut butter.
Istep 4.a: Lagyan ng peanut butter ang binalatang saging.
Istep 4.b: Pwede ding isawsaw na diretso sa peanut butter container ang saging para mas enjoy.
Bansag: "enpalaya"
Ano yun: ensaladang ampalaya
Kanino napulot: kay Mom (favorite namin ito lalo na pag umuuwi sa Lubao)
: kay Mumuy din (sa mga panahong wala kaming pang-lunch sa office)
Istep 1: Hiwain ang ampalaya sa dalawa, lengthwise.
Istep 2: Hiwain nang maliliit (arc-shaped) ang hiniwang ampalaya sa Istep 1.
Istep 3: Pakuluan.
Istep 4: Isantabi.
Istep 5: Sa isa pang lalagyan, maglagay ng hiniwang kamatis at sibuyas. Si Mumuy, nilalagyan ito ng paminta.
Istep 6: Ilagay ang isinantabing ampalaya sa lalagyan kasama ang kamatis at sibuyas. At paminta, kung gamit ang version
Istep 7: Lagyan ng suka at asin.
Istep 8: Palamigin sa refrigerator.
Hep-Hep:
Mas masarap ito pag isinabay sa nilagang itlog. (idea ni Mumuy)
"prom di movies" - nakuha sa mga movies
Bansag: "peanut butter at keso"
Ano yun: peanut butter and cheese na ipinalaman sa pandesal
Kanino napulot: kina John Lloyd at Bea (sa movie na 'Close to You')
Istep 1: Ma in-love sa best friend.
Istep 2: Itulog lang ang nasa Istep 1.
Istep 3: Magising sa pambubulabog ng best friend na walang kaalam-alam sa Istep 1.
Hep-Hep:
Magmumog.
Istep 4: Ilabas ang peanut butter, pandesal at cheese.
Istep 5: Paghaluin ang 1 kutsarang peanut butter at cheese.
Istep 6: Ipalaman sa pandesal.
Hep-Hep:
H'wag tirhan ng pagkain na ito ang best friend kung manatili pa rin syang manhid at bulag.
Bansag: "ketchup juice"
Ano yun: pandesal na may palaman na ketchup na isinawsaw sa orange juice
Kanino napulot: kina Aga at Christine (sa movie na 'All My Life')
Istep 1: Maloko sa pangako ng kasal.
Istep 2: Mag cruise para malimutan ang nasa Istep 1.
Istep 3: Ma in-love ulit pero sa iba na.
Hep-Hep:
May sakit yung tao na yun. Pero wala kang kaalam-alam.
Sapakin mo nang pagka-lakas-lakas pag umamin sya na may sakit sya.
Istep 4: Ihanda ang pandesal.
Istep 5: Lagyan ng ketchup na palaman ang pandesal.
Istep 6: Isawsaw sa orange juice ang pandesal.
Busog po ba? Dighay. Dighay. Dighay.
3 comments:
Enpalaya
Nakalimutan mong tanggalin ang buto ng ampalaya matapos hiwain lengthwise. Sigurado ako, mapait yan.
nabusog ako sa kakatawa ;)
(di nga lang halata)
-- kaklaseng neri
top [url=http://www.001casino.com/]online casino[/url] check the latest [url=http://www.realcazinoz.com/]realcazinoz.com[/url] autonomous no consign bonus at the chief [url=http://www.baywatchcasino.com/]casino online
[/url].
Post a Comment