Kulelat talaga ako pagdating sa mga laro. Nuon, lagi akong madalas talo sa mga laro at madaling mapikon, kaya nga hindi pa man tapos o nagsisimula ang laro, talo na ako.
Madali ding uminit ang ulo ko, pero hindi naman ako brat. Sa isang sandali, kukunot na ang nuo ko, tapos, uusok na ang mga ilong ko at mga tenga. Pero madali din naman akong makipag-peace sa mga nakainitan ko ng ulo. At hindi lang basta-basta yung pakikipag-peace ko. Papaiyakin muna kita. Sigurado yan. Yun bang hinding hindi na tayo mag-aaway ulit, kasi something really special yun- basta ganun. At hinding-hindi mo na ako makakalimutan.
Na mi-miss ko tuloy yung mga kalaro ko nuon. Kung meron akong isa lamang na panahon na gustong ibalik ulit at huwag iwan, yun yung childhood years ko.
Napatunayan ko na magpahanggang ngayon, kulelat pa rin ako sa laro. Naging virtual na nga lang yung mga kalaro ko, pero sume-semplang pa rin ako. Example na lang yung Minesweeper. Hay, hanggang ngayon, I must confess, wala pa akong panalo sa game na yun. (Katangahan na ba?) Minsan nga, on first click pa lang sa square, naka uncover na ako ng mine. Ang hindi ko naman kasi maintindihan, bakit bawal makita ang mine? Bakit dapat i-locate lang? Nakakapikon na nga eh. Wala pa akong nakumpleto sa laro na 'yon. Sabi sa 'yo pikon ako, eh. Naisip ko tuloy, baka ganun talaga ang rule.
Baka dapat alamin mo lang na andun yung hinahanap mo na mine. No need for you to take it. Kung ganun...hindi lang ako sa laro kulelat.

1 comment:
Nakatapos na ako ng Minesweeper hanggang expert level (nang walang daya ah ^_^) pero hindi ibig sabihin na hindi pa ako nabomba sa larong iyon. Mangilan-ngilang beses na rin akong nabomba sa unang click pa lang pero ayos lang... new game na naman.
Ganyan naman talaga kahit sa laro ng buhay. Trial and error lang :) Di kasi natin nakikita ang eksaktong dadaanan kaya minsan nabobomba. Pero hindi ibig sabihing titigil na tayo. Tayo ang magseset ng game over. ^_^
Post a Comment